Thursday, February 9, 2012

Indak ng Sining: Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa (Isang Rebyu at Pagsusuri)

“Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”, na dinirek ni Ginoong Alwin Yapan, ay ipinalabas sa Cinemalaya noong nakaraang taon (2011) ay nanomina sa Halekulani Golden Orchid Award para sa Best Feature Film sa Hawaii International Film Festival at nanalo ng Bronze Price sa Bogota International Film Festival sa Columbia. (Source: http://www.manilatimes.net/index.php/life-and-times/showtime/10137-poetry-dance-and-romance-in-ang-sayaw-ng-dalawang-kaliwang-paa)

Sinopsis:
                Ang kwento ng pelikula ay ukol kina Marlon (isang mag-aaral sa kolehiyo sa isang unibersidad sa Maynila), Dennis (ang kanyang kamag-aral sa literature class), at Karen (ang kanilang propesor sa literatura).
Dahil sa kanyang pagkadismaya sa kanyang presentasyon sa literature class, sinundan ni Marlon ang kanyang propesor na si Karen sa kanyang pupuntahan. Dahil sa kanyang pagsunod ay nalaman niyang nagtuturo rin ng pagsayaw ang nasabing propesor. Dito nakilala niya si Dennis, ang kanyang kamag-aral sa literature class na hindi niya kilala. Si Dennis ay nagtuturo rin ng pagsayaw sa mga mag-aaral sa nasabing dance studio, kasama ni Karen.
Upang mapabilib ang kanilang propesor, nagpaturo si Marlon kay Dennis ng pagsayaw. Unti-unting natuto sa pagsayaw si Marlon; ngunit napagtanto ni Karen na nag-aral lang si Marlon sumayaw upang mapabilib nga si Karen. Labis na di nasiyahan sa narinig si Marlon, at dahil dito ay sinisi niya si Dennis na siyang tanging nakakaalam sa kanyang lihim. Ngunit sa huli ay nagkabati rin sila at gumanap sa pagtatanghal sa epikong Humadapnon.

Reaksyon:
Ako kasama ang aking kaibigan sa panonood
                Nagustuhan ko ang “Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa” dahil ito ay isang pelikulang nagpapakita ng pagiging malikhain ng mga Pilipino. Paano ko nasabi? Kung inyong titingnan ang buong pelikula, ito ay nababalot ng sining ng literatura (mga tula), sining ng awitin at sining ng pagsayaw. Hindi siya kapareho ng mga musical na bahagi ng script ng mga gumaganap ang ginagawa nilang pagkanta at pagsayaw. Ang mga kantang ginamit ay magaganda lalo na ang huli, na siyang ginamit sa dulang Humadapnon. Masasabing may magandang kaledad ang pelikulang ito.
                Ang ikinalungkot ko lamang ay ang aking kahinaan sa pagsasalin ng tunay na mensahe ng mga tulang nabanggit. Marahil ang pelikulang ito ay isang daan upang mapalawak ko pa ang kaalaman at pag-unawa ko sa larangan ng tula.

1 comment: