Friday, March 2, 2012

Haring Lear: Ang Hari Noon, Ngayon, at Magpakailanman

Introduksyon
Ang Haring Lear ay isang produksyon na pinangunahan ng Philippine Educational Theater Administration (PETA). Ito ay hinango at nagmula sa orihinal na gawa ni William Shakespeare na dinirek ni G.Nonon Padilla at isinalin ni G. Bienvenido Lumbera

Ano nga ba ang Haring Lear?
BUOD: "Isang haring nasa katandaan ay nagpasyang hatiin ang kanyang kaharian sa tatlong anak na bago tanggapin ang kanilang kaukulang pamana ay pinaraan muna sa isang pagsubok - ano ang katibayan ng bawat isa na siya ay karapatdapat sa pamana ng hari? Kakatwa na nanalig si Lear sa ganda ng pananalita ng tagapagmana bilang katibayan na siya ay karapatdapat. Sa pagdaloy ng salaysay, ang katibayang nakasalalay sa magandang pananalita ay ginutay-gutay ng masamang nasa at gawa. Ang haring nanalig sa ganda ng pananalita ay napabulusok sa pagkabaliw nang wala siyang makapitang totoo sa kanyang relasyon kina Goneril at Regan. Itinakwil niya si Cordelia na ayaw magbitiw ng magagandang pananalita bilang katibayan ng pagmamahal sa magulang. Ang pagdurusang dinanas ng matandang hari ay sinaniban ng sungit ng panahong kanyang sinagasa sa kaparangan ng kahariang kanyang ipinamigay kapalit ng magagandang pananalita ng dalawa niyang anak.

Itinabi ni Shakespeare ang salaysay ni Gloucester sa marawal na pagdurusa ni Lear. Narito ang amang madaling nalinlang ng pagsisinungaling ng anak sa labas na si Edmund at kanyang itinakwil ang lehitimong anak na si Edgar na inakalang may tangkang pagpatay sa kanya. Naniwala siya sa hindi niya nakikita na kataksilan diumano ni Edgar. Dumaan siya sa paglabulag bago niya nakilala kung alin sa dalawang anak niya ang tunay na taksil." (mula sa souvenir program ng Haring Lear)

Ang Produksyon
Gaya ng unang beses kong napanood ang PETA, hindi pa rin nagbabago ang kanilang pagiging malikhain. Sa ambiance at set, musika at mga aktor, makikita ang magandang kredibilidad at quality ng nasabing tagatanghal.

Ang ambiance ay nasusunod sa dapat na tema ng Haring Lear na tragedy. Ang kulay ng set ay kaaya-aya. Boring man sa ilan, ngunit makikita ang pagiging masinsin sa detalye ng set. Kung mapapansin, at kung hindi ako nagkakamali, ay gawa sa mga recycled material ang set na siyang lalong kahalihalina.

Ang musikang gamit ay may kanyang kagandahan ding taglay. Catchy ang bawat kantang ginamit. Nakakagulat din na gumamit sila ng mga kantang Inggles na lalong makakakuha ng atensyon ng mga manonood.

At ang huli ay ang mga aktor. Ito ang unang beses kong manood ng all-male casting na play. Ako'y tunay na naexcite at hindi naman ako nadismaya sa aking napanood. Ang gagaling ng mga aktor na gumanap. Makikitang in-character sila sa buong pagtatanghal.

Kaya akin ko kayong inaanyayahang manood ng mga pagtatanghal na ginagawa ng PETA sapagkat hindi masasayang ang oras at pera ninyo :)

PS:
Pasensya na sa pangit na quality ng photo
Pagkatapos ng pagtatanghal ay bumili ako at ang kaibigan ko ng souvenir program <3 <3 


_________________________
I added cool smileys to this message... if you don't see them go to: http://s.exps.me